Friday, January 26, 2007

LUPA


Katutubong laon nang kinamulatan
Liban sa Banal walang nagmamay-ari
Sa bawat bahagi nya't kabuuan
Subalit ang demonyo'y mortal
Dumaong sa pusod ng kanyang dangal
Panginoon kung sarili'y itanghal

Sumpa ang bawat pagtikim
ng dambuhalang hatid ay dilim
Sa kinagisnang sinapupunan
Walang panginoon ang nanggagahasa
Ni tagapag-alagang tumatango
Sa dikta ng kahayukan

Tawagin mo sya sa pangalan n'ya
Lupa! kabiyak ng magbubukid
Subukan mo at di ka marinig
Sya'y tulala sa kahubaran
Katihimika'y sing lalim ng pighati
Sa pagpanaw ng kanyang puri



Damhin ang kanyang pagtangis
Inang Lupa ika'y nalunod sa luha
At dugong piniga sa pulso
Bawiin ang ninakaw na alindog
At minsan pa'y ibalik sa kanyang puso
Nang buhay muli n'yang ihandog

From top: 1. The Mamanwas of Tag-anito, Claver, Surigao del Sur driven out from their homes by mining firms 2. A hill of earth containing at 13 minerals to be shipped to Japan for processing (Tag-anito, Claver, Surigao del Sur) 3. One of the seven mining pits of Manila Mining Company at Placer, Surigao del Sur 4. One of the abandoned mining pits of Suricon Mining Corporation at Tubod, Surigao del Sur (at least 20 ha wide, 700 ft. deep)... not a lake darling... The site used to be a good agricultural area. 5&6. Lake Mainit from Mainit National High School.

No comments: